PANLALAWIGANG KONSULTASYON SA PAGREPASO AT PAG-AMYENDA NG BATAS SA LOKAL NA PAMAHALAAN

GENERAL SANTOS CITY — Agosto 24–25, 2026. Isinagawa sa Greenleaf Hotel, General Santos City ang Provincial Consultation on the Review and Proposed Amendments to the Local Government Code of 1991: Stronger for Full Devolution, na pinangunahan ng DILG Region XII katuwang ang DILG Sarangani.

Dinaluhan ang dalawang araw na konsultasyon ng 50 kalahok, kabilang ang 8 kinatawan mula sa DILG Provincial Office, 7 Municipal Local Government Operations Officers (MLGOOs), 23 kinatawan mula sa mga Local Government Unit (LGU), at 12 kinatawan mula sa mga League of Local Governments.

Sa pagbubukas ng aktibidad, isinagawa ang pagkilala sa mga kalahok at facilitators, presentasyon ng house rules, at oryentasyon sa daloy ng konsultasyon na pinangunahan nina Harriet S. Destacamento, LGOO II; Sheryl D. Lantingan, Program Manager; at Annalyn S. Doceo, Outcome Manager, ng DILG Sarangani.

Naghatid ng Mensahe ng Pagtanggap si Ian Jon S. Clemente, OIC-Provincial Director ng DILG Sarangani. Samantala, ang Pampabungad na Mensahe ni Atty. Rochelle D. Mahinay-Sero, CESO III, Regional Director ng DILG Region XII, ay ibinahagi ni Engr. Samuel A. Camaganacan, CE, OIC-Assistant Regional Director.

Binigyang-diin sa mensahe ang kahalagahan ng konsultasyon sa paghubog ng mas tumutugon, napapanahon, at handa sa hinaharap na Local Government Code.

Isa sa mga mahahalagang punto sa talakayan hinggil sa mga benepisyo at insentibo para sa mga kawani ng LGU.

Isang mungkahi na sana mabigyang-daan ang paggamit ng mga pondong lokal, alinsunod sa batas at patakaran, para sa mga insentibo at benepisyo ng mga kawani, lalo na bilang pagkilala sa prinsipyo ng local autonomy.

Binigyang-pansin din ang mga direktiba mula sa pambansang pamahalaan, lalo na sa paggamit ng mga savings upang higit na maisaalang-alang ang sariling kakayahan at pangangailangan ng mga empleyado ng mga lokal na pamahalaan.

Nagkaroon din ng Focus Group Discussion (FGD) kasama ang mga kalahok na may mga tungkulin at gampaning may kaugnayan sa administrasyon sa kani-kanilang Provincial at Municipal LGUs sa Sarangani. Sa talakayan, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga karanasan, hamon, at rekomendasyon kaugnay ng pagpapatupad ng lokal na pamamahala.

Buod ng mga Panukalang Amyenda sa ilalim ng FUNDS Framework

Mula sa isinagawang konsultasyon, nabuo ang mga sumusunod na pangunahing panukalang reporma:

F – Fiscal Autonomy and Local Revenue Protection. Pagtitiyak sa 50-30-20 na hatian ng Real Property Tax (RPT) sa MLGU, PLGU, at BLGU, pati na ang pagtaas ng penalidad sa mga hindi nagbabayad ng buwis.

U – Updated Personnel Caps and Fair Benefits. Pagtaas ng Personnel Services (PS) cap mula 45% patungong 50%, pagkakaloob ng retroactive salary increase sa mga LGU, at pagpapatupad ng minimum na ₱3,000 buwanang honorarium at ₱5,000 Christmas bonus para sa mga opisyal at kawani ng barangay.

N – Needs-Based National Tax Allocation. Pagrepaso sa pormula ng National Tax Allocation (NTA) upang maisaalang-alang ang poverty rates, partikular ang top 20%, kahandaan at kaangkupan sa mga sakuna, at mga serbisyong nailipat sa ilalim ng devolution.

D – Direct Costing and Intergovernmental Alignment. Pag-aatas ng malinaw na pagtukoy at paglalaan ng kinakailangang pondo bago ang devolution, pagpapatigil sa ganap na devolution sa antas ng munisipyo, at pagsasagawa ng fiscal review kapag limang taon ng Kongreso.

S – Support and Empowerment to Grassroots Level. Mandatoryong pagbibigay ng ₱10,000 na tulong-pinansyal sa bawat component barangay.

Ang mga nakalap na pananaw at rekomendasyon mula sa 50 kalahok ay magsisilbing mahalagang ambag sa patuloy na pambansang pagrepaso at pag-amyenda sa Local Government Code of 1991, tungo sa isang mas matatag, mas empowered, at mas tumutugon na sistema ng lokal na pamamahala.